Kutawato Multimedia Network “Balitang Bangsamoro!” December 5, 2013

Radio Community Peace Forum ng KuMuNet sa Framework Agreement on the Bangsamoro, Matagumpay na naidaos sa Cotabato City

By Lira Mae Pagco (ForumZFD/KuMuNet)

Matagumpay na naidaos ang Radio Community Peace Forum ng Kutawato Multimedia Network o KuMuNet sa Notre Dame University, Cotabato City noong Lunes ika-dalawa ng Disyembre kung saan tampok ang usapin ng Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) at ilang annexes nito.

KUMUNET

Mahigit kumulang isang daan at animnapu ang dumalong mga partisipante sa peace forum kabilang ang ilang mga punong barangay ng lungsod, guro, estudyante, religious sector, civil society organizations sa Mindanao at ilang personalidad mula sa media. Pinag-usapan sa forum ang mahahalagang laman ng FAB kabilang dito ang annexes ng wealth sharing.

Samantala, ikinatuwa naman ng local na pamahalaan ng lungsod ang pag-imbita sa kanila ng KuMuNet. Ito raw ang kauna unahang pagkakataon na sila ay makadalo sa isang peace forum na tinatalakay ang laman ng FAB at ipinapaliwanag ang gawain ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).

Nagbigay ng pagpapaliwanag si Commissioner Pedrito Eisma tungkol sa FAB, Wealth sharing naman ang ipinaliwanag ni Commissioner Atty. Raissa Jajurie at nag update naman si Commissioner Froilyn Mendoza sa mga hakbanging isinasagawa ng BTC para sa pagbalangkas ng Bangsamoro Basic Law. Ang tatlong Commissioners ay kapwa miyembro ng BTC.

Nakiisa rin ang Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS) Chairman Guiamel Alim na nagbigay ng kaalaman sa mga gigawa ng ibat-ibang CSOs sa Mindanao sa pagsulong ng pangmatagalang kapayapaan.