Kutawato Multimedia Network “Balitang Bangsamoro!” November 14, 2013

Sajahatra Bangsamoro gumagawa ng hakbang upang mapabilis ang pag-enrol ng mga benepisyaro ng health insurance corporation o Philhealth

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)

Tinawag na Online Rapid Enrollment o ORE ang sistemang ginagawa ngayon ng Sajahatra Bangsamoro upang mapabilis ang pag-enrol ng mga benepisyaro ng Philhealth.

Ayon sa Sajahatra Bangsamoro, ang bagong sistema ay magiging mabilis ang pag-access ng mga hospital at clinics sa profile ng Moro people na naka-enrol sa programa.

Ang  information system ay ilalagay sa Local Government Units at i-uugnay naman nito sa Department of Health’s Watching Over Mothers and Babies (WOMB) at Department of Social Welfare and Development’s Sustaining Interventions in Poverty Alleviation and Governance (SIPAG).

Ang pamimigay ng PhilHealth services ay isang components ng Sajahatra Bangsamoro, kabilang dito ang scholarship at livelihood support.

European Union nagbigay ng Walong milyung Euro (€ 8 million) karagdagang pondo para sa development ng conflict-affected communities sa Mindanao

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)

Nilagdaan ng European Union, World Bank ang Contribution Agreement na nagsasaad ng karagdagang tulong na € 8 million o katumbas ng P467 milyung piso para sa development ng mga komunidad na napektuhan ng kaguluhan sa Mindanao.

Lumagda sa kasunduan sina EU Head of Delegation to the Philippines Guy Ledoux at World Bank Philippines Country Director Motoo Konishi kasama sina Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos Deles at Bangsamoro Development Agency Chair Dr. Saffrulah Dipatuan na ginanap sa headquarters ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Pasig City noong Lunes.

Ayon sa OPAPP, ang karagdagang tulong-pinansyal ay ilalagay sa Mindanao Trust Fund – Reconstruction and Development Programme o MTF-RDP, isang multi-donor facility na ang layunin ay ma-improve ang social at economic recovery ng conflict-affected communities sa Mindanao

Sinabi ni EU Commissioner for Development Andris Piebalgs na ang karagdagang pondo ay isang manipestasyon sa kanilang commitment sa Mindanao peace process.

Nagpasalamat naman si Secretary Deles sa tulong ng EU sa pagpapalakas ng magandang partnership upang maisakatuparan ng Administrasyong Aquino ang  hangarin sa makatarungan at sustinadong kapayapaan para sa progresibong Mindanao.

Nagpasalamat din ang BDA Chair Dipatuan sa EU sa karagdagang pondong ibinigay. Sinabi ni Dipatuan na ang MTF ay na malaki ang naitulong upang ma-transform ang BDA sa isang experienced organization.