Kutawato Multimedia Network “Balitang Bangsamoro!” November 7, 2013

Radio Community Peace Forum ng KuMuNet sa Framework Agreement on the Bangsamoro sa bayan ng Upi, Maguindanao, Matagumpay na naidaos

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)
 

131107 Radio Community Peace ForumMatagumpay na naidaos ang Radio Community Peace Forum ng Kutawato Multimedia Network o KuMuNet sa bayan ng Upi, Maguindanao na kung saan pinag-usapan ang Framework Agreement on the Bangsamoro o FAB.

Mahigit Pitumpong mga pinuno ng mga Indigenous People o Katutubo mula sa North at South Upi ang lumahok. Tinalakay sa forum ang mahahalagang laman ng FAB kabilang dito ang kanyang annexes na wealth sharing, power sharing at normalization.

Ayon sa mga katutubong T’duray at Lambangian na dumalo sa programa ay suportado nila ang pag-uusap ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.

Nakiisa rin ang mayor ng Bayan ng Upi na si Hon. Ramon Piang, Sr. sa ginanap na peace forum.

Ayon ka Karen Waterman ng Forum ZFD, maganda at maayos ang daloy ng talakayan mula sa mga katanungan ng partisipante at kasagutan ng mga ispekers.

Ang nagbigay ng updates ay sina Hon. Froilyn Mendoza ng Bangsamoro Transition Commission mula sa hanay ng gobyerno, Executive Assistant ng BTC Archie Buaya at miyembro din ng Technical Working Group on Wealth Sharing sa panig ng MILF at ang lider ng mga katutubo na si Alim Bandara.

108 pamilyang nasunugan sa Taviran, DOS, Maguindanao tumanggap ng Relief Supply

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)

Nabigyan ang 108 na pamilyang nasunugan sa Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ng relief supplies mula ibat-ibang grupo at indibidwal na tumulong sa panawagan ng Bangsamoro Alliance for Peace, Social and Economic Development o BAPSED na s’yang naglikom ng mga donasyon.

131107 Relief Supply in Taviran

182 bags na pinaghalong non-food item at food supply ang ipinamahagi sa mga nasunugan kabilang dito ang damit, bigas, at noodles.

Sinabi ng BAPSED Vice Chairman Hadji Mursid Mascud na nakita ang kapatiran at pagkakaisa ng mamamayan mula sa nagbigay ng tulong at mga biktima ng nasunugan na s’yang malaking bunga ng ginawang programa.

Ayon naman sa UNYPAD Secretary General Yusoph Lumambas, maayos ang pamimigay ng relief assistance.

Sinabi ni Lumambas na nakita ang transparency at accountability mula sa pagbibigay ng tulong sapagkat anya ang mga pera na naipaabot ng mga tumulong ay ipinaalam ng BAPSED na ibinili ito ng bigas na syang ipinamahagi sa mga apektadong pamilya.

Bago nangyari ang actual na distribution ay nagsagawa muna ng isang maikling programa ang BAPSED na kung saan ipinarating sa mga nasunugan na pagsubok lamang ito ng Panginoon sa kanila.

Tumulong ang UNYPAD, Al-IHSAN, Bandar Kutawato, Bangsamoro Radio Communication Network, Suara Mindanao, at iba pang organisasyon sa pamimigay ng relief supplies sa mga residente ng Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong Lunes, November 4.

Nabigyan din ng kaunting tulong ang mga biktima ng sunog sa Tukananes, dito sa lungsod ng Cotabato.