Kutawato Multimedia Network “Balitang Bangsamoro!” October 10, 2013

Kutawato Multimedia Network, magsasagawa ng Community Peace Forum sa bayan ng Upi, Maguindanao

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)

Tatalakayin sa gagawing Community Peace Forum na pangungunahan ng Kutawato Multimedia Network o KuMuNet ang kasalukuyang pag-uusap ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front kabilang ang nilalaman ng Framework Agreement on the Bangsamoro o FAB.

Sinabi ng Project Manager ng ForumZFD Karen Waterman na layunin ng programa na mabigyan ng updates at linaw ang mga katutubong naninirahan sa bayan ng Upi sa mga kaganapan sa pag-uusap ng pamahalaan at MILF.

Samantala, malugod na tinanggap at agad na sinuportahan ni North Upi Mayor Hon. Ramon Piang, Sr. ang pagsasagawa ng programa sa kanyang bayan. Kasama ang United Youth for Peace and Development, Inc. at Lumad Development Center, Inc. sa isinagawang pagbisita ng KuMuNet sa tanggapan ni Mayor Piang kahapon, ika-Siyam ng Oktubre.

Ayon kay ForumZFD Project Manager Karen Waterman, ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission ang iimbitahin at direktang magbibigay ng peace process updates. Sinabi naman ni DXUP Radio Program Director Ali Anso na live na i-coverage ng DXUP Community Radio Station ang gagawing programa. Naitakda ang gagawing community peace forum sa darating na ika-Lima ng Nobyembre na gaganapin sa San Isidro Parish Church, Nuru Upi, Maguindanao.