Kutawato Multimedia Network “Balitang Bangsamoro!” October 17, 2013

Power Sharing annex ng FAB mabusising pinag usapan ng Gobyerno at MILF sa ika 41st exploratory talks

By Lira Mae Pagco (Forum ZFD/KuMuNet)

Bigo parin ang gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF na mabuo ang kasunduaan kung paano paghahatian ng dalawang panig ang kapangyarihan na ibabahagi sa Bangsamoro political entity at central government sa ginanap na 41st exploratory talks sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagkaroon pa ng extension ang peace talks sa Malaysia. Ito’y nagsimula noong Sabado ikalabin-dalawa ng Oktubre alas-diyes ng umaga hanggang Linggo ikalabin-tatlo ng Oktubre alas-singko ng umaga upang makumpleto ang power sharing annex na isa sa dalawa pang natitirang annexes ng Framework Agreement on the Bangsamoro.

Sakabila ng nangyaring extension ay hindi parin natapos ng dalawang panig ang Power Sharing annex.

Ngunit ayon naman kay government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer may nakamit namang magandang pag-unlad sa power sharing annex sa nangyaring peace talks.

Kabilang na dito ang posibleng istruktura ng Bangsamoro political entity at intergovernmental na mekanismo na maaaring sumiguro sa koordinasyon at pakikipagtulungan sa pagitan ng central government at Bangsamoro government sa pagsasakatuparan ng mga iba’t-ibang kapangyarihan.

Ang power sharing annex ay naglalaman ng listahan ng mga kapangyarihan na nakalaan para sa central government, mga kapangyarihan na eksklusibo para sagobyerno ng Bangsamoro, at mga concurrent o shared powers sa pagitan ng dalawang panig.

Rehabilitasyon ng Zamboanga City, tinalakay sa Pagpupulong ng Local at International Donor Agencies

By Lira Mae Pagco (Forum ZFD/ KuMuNet)

Dumalo ang iba’t-ibang international donor agencies sa isang malaking pagpupulong para sa gagawaing rehabilitasyon sa Zamboanga City matapos ang mahigit Tatlong Linggong kaguluhan sa pagitang ng hukbo ng pamahalaan at Moro National Liberation Front Misuari faction.

Dinaluhan ito ng iba’t-ibang representante mula sa United Nations, International Labor Organization, World Food Program, Australian Aid, Japan, United States at mga embahada na narito sa bansa.

Kabilang na dumalo ang ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development, at iba pang mga organisasyon.

Pagbalangkas ng memorandum of understanding para sa planong maipanumbalik ang ekonomiya ng Zamboanga ang isa sa layunin ng pagpupulong.

Ayon sa mga donors kinakailangan ang sustainable livelihood intervention para sa mga mamamayang biktima ng Zamboanga crisis upang hindi sila umasa na lamang sa mga pansamantala at katiting na tulong na iniaabot sa kanila.

Dagdag sa ulat na mahalaga ang sustainable livelihood intervention para sa pangmatagalan at pang araw-araw na pangangailangan ng apektadong pamilya.

Pinag-usapan sa pagpupulong ang planong magkaroon ng livelihood assessment, employment skills training at 50,000 dollars para sa cash-for-work program mula sa International Labor Organization upang maisakatuparan ang emergency work sa paghahanda para sa reconstruction ng mga apektadong ariarian ng komunidad.

Inaasahang pupunta sa Zambonga ang isang grupo ng mga representante ng International donor organizations upang tiyakin ang agarang pagpapatupad ng kanilang mga planong pagtulong sa pagbangon ng ekonomiya ng Zambonga.

Cotabato City Coalition for Change nagsagawa ng Barangay Election Candidates Forum

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)

Matagumpay ang isinagawang Candidates Forum ng Cotabato Coalition for Change o 4Cs para sa mga tatakbong kandidato sa darating na October 28 Barangay Elections na ginanap sa Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City, kaninang umaga.

Pinangunahan ng United Youth for Peace and Development o UNYPAD katuwang ang Police Precinct Station no. 3 ng Philippine National Police, Commission on Elections at Parish Pastoral and Responsible Voting o PPCRV.

Dumalo ang target na partisipante ng Tamontaka Dos, Tres, Quatro, at Singko.

Ayon sa Secretary General ny UNYPAD Yusoph Lumambas, bagamat hindi nakadalo ang representante ng Comelec ay inaasahan ng 4Cs na dadalo ito sa susunod na gagawing programa.

Nagbigay naman ng security briefing ang Police Precinct Station no. 3 na naka-assign sa area ng Tamontaka.

Tinalakay sa presentasyon ang 10 Commandments for Responsible Voting ng PPCRV.

  1. Vote according to the dictates of your conscience.
  2. Respect the decision of others in choosing their candidates.
  3. Seek to know the moral integrity, capabilities, and other personal qualities of the candidates you will vote for.
  4. Strive to understand the issues, platform, and programs of candidates and parties campaigning for your vote.
  5. Do not sell your vote.
  6. Do not vote for candidates using guns, goons, gold, and glitter.
  7. Do not vote for candidates tainted with graft and corruption.
  8. Do not vote for candidates simply because of “utang na loob,” popularity, good looks, or pakikisama.
  9. Do not vote for candidates living an immoral life.
  10. Always put the welfare of the country as top priority in choosing the candidate you will vote for.

Sinabi naman ng mga tatakbong kandidato na susundin nila ang mga alituntunin na isinaad ng Comelec.

Samantala, nagpapasalamat naman ang punong barangay ng Mother Barangay Tamontaka na si Bai Kabaibai Balabaran sa pagpili ng kanyang lugar sa ginawang programa.

Inilunsad sa lungsod ng Cotabato ang 4Cs noong September 27 kasama ang mga miyembro nito mula sa hanay ng security sector tulad ng PNP, Philippine Army at Philippine Marines.

Miyembro rin ang grupo ng Civil Society Organizations kabilang ang UNYPAD, Mindanao Action for Peace and Development Initiatives (MAPAD), SEED Foundation, Kabalikat Civicom, and Moro Women Development and Cultural Center (MWDECC), Commission on Elections (Comelec), Department of Education (DepEd), PPCRV, Nonviolent Peaceforce Philippines (NPP).