Kutawato Multimedia Network “Balitang Bangsamoro!” October 3, 2013

  

Proyekto para sa mga Indigenous People sa Carmen, North Cotabato sinuportahan ng iba’t ibang stakeholders, NGOs at Local Executives

By Lira Mae Pagco (ForumZfd/KuMuNet)

Pumirma ng commitment of support ang mga ibat-ibang stakeholders bilang suporta para sa pagsasakatuparan ng isang proyekto na inilaan upang makinabang ang libu-libong mga mahihirap na lumad o katutubo mula sa isang remote na bayan ng Carmen, North Cotabato.

Mahigit walumpong mga stakeholders ang nagkaisa, kabilang sina Dr. Lilibeth Malabanan, MD., Project Director ng Indigenous Peoples Maternal, Neonatal, Child Health and Nutrition o IP-MNCHN Project Mindanao, ay nangakong susuportahan ang proyekto para sa mga katutubo.

Ayon kay Gus Tapia, IP-MNCHN provincial director ng North Cotabato, ang mga Manobo-Aromanon ng Barangay Bentangan, Carmen ay nakarehistrong may mataas na saklaw ng maternal at neo-natal o pagkamatay ng sanggol, malnutrisyon, at iba pang mga problema sa kalusugan ng mga bata.

Dagdag pa ni Tapia ang mga indigenous people sa Barangay Bentangan ay nagkakaroon ng kakulangan sa access ng mga serbisyong pangkalusugan dahil sa kalayuaan ng lugar.

Ang pag-pirma ng mga stakeholders ay pagsuporta sa katiyakan ng paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mahigit Apat-na-Libong miyembro ng Manobo-Aromanon.

Sinabi ni Dr. Malabanan na ang programa ay bahagi ng engrandeng paglulunsad ng IP-MNCHN Project Mindanao, na kung saan ay itinakda sa Oktubre bilang buwan para sa mga Katutubo.

  

Human Rights groups at Civil Society Organizations sa Zamboanga City nakiisa sa komemorasyon ng ‘Day of Nonviolence’

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)

Nakiisa ang ibat-ibang grupo ng Human Rights Groups at Civil Society organizations sa Zamboanga City sa pag-commemorate ng “The Day of Nonviolence” na ginunita kahapon ika-Dalawa ng Oktubre.

Ginanap ang programa sa Santa Maria Freedom Park, Zamboanga City.

Lumahok ang grupo nila Fr. Angel Calvo ng Peace Advocates Zamboanga o PAZ, gayundin ang mga elemento ng Philippine National Police, Media, religious group, Human Rights Defenders o taga pagtanggol ng karapatang-pantao, kababaihan, kabataan at ilang pinuno ng mga Bakwit sa lungsod ng Zamboanga.

Pagkatapos ng mga talumpati mula sa ibat-ibang sektor ang bawat kalahok ay nag-sulat ng maikling mensahe tungkol sa pag-suporta sa Nonviolence Day at pag-wawaksi sa anumang uri ng karahasan.