Kutawato Multimedia Network “Balitang Bangsamoro!” October 31, 2013

2nd Global Handwashing Day, matagumpay na naidaos ng DepEd ARMM

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)

May temang “The Power is in Your Hands” ang selebrasyon ng taunang ginagawang ‘global hand washing day.’ Ito ay dinaluhan ng mga non-government organizations, kasama ang ahensya ng Autonomous Region for Muslim Mindanao na lumahok sa pagtitipon.

Nag-umpisa ang programa sa isang walk for clean hands mula sa Blue Mosque sa loob ng ORG compound patungo sa Shariff Kabunsuan Complex.

Sinundan ng mga talumpati mula sa opisyales ng Dep-Ed ARMM, Department of Health, Madaris, tanggapan ng Regional Governor at ang actual na paghugas ng kamay ng mga estudyante at opisyales ng ibat-ibang organisasyon.

Sa ginawang talumpati ng mga ispikers, iisa ang layuinin ng paghuhugas ng kamay, ito’y upang maka-iwas sa mga posibleng karamdaman na nakukuha mula sa mga maruming nahahawakang bagay.

Sinuportahan ng Autralian Agency for International Agency, GIZ, Fit for School at iba pang institusyon ang programa.

 

“Barangay Election ay panghuling gagawin sa loob ng itatag na bagong Bangsamoro,” ayon sa grupo ng Bantay Eleksyon

By Tu Alid Alfonso (UNYPAD/KuMuNet)

Ito ang sinabi ng opisyal ng Bantay Eleksyon na si Samira Gutoc.

Ayon sa pahayag ng Bantay Eleksyon, pagktapos nang voters education at pirmahan ng covenants kasama ang mga kandidato, civil society, army, Philippine National Police at Moro Islamic Liberation Front  na ang hangarin ay upang mabasawasan kung hindi man  maiwasan ang barangay election related violence sa Autonomous Region for Muslim Mindanao ay mga naitala paring karahasan sa loob ng areas ng ARMM. Kabilang dito ang pagpatay sa babaeng kandidato para sa pagka-barangay chairman sa Piagapo,Lanao del Sur.

Ayon sa ulat ng military, nasa labin-dalawang insidente ng karahasan ang naitala sa apat na probinsya ng ARMM.

Nagmonitor din ang grupo ng Cotabato Coalition for Conflict Mitigation and Meaningful Election (CC-COMME), Maguindanao Peace Advocates (MPA), at Cotabato City Coalition for Change (4Cs) sa ginanap na barangay elections noong Lunes.

Nanawagan din ang election watchdog na e obserba ang batas na isinaad ng Comelec at sa mga nanalong kandidato ay palakasin ang pag-implementa sa good governance.

Samantala, hinahabi naman ng gobyerno at MILF ang natitira pang annex ng Framework Agreement on the Bangsamoro na inaasahan upang mabuo ang Bangsamoro Basic Law at tuluyang pagmirma sa isang komprehensibong kasunduan.

Sa darating na 2016 ay makakapili ang mamamayan na sakop ng bangong Bangsamoro sa kanilang partido at lider na ihalal sa gobyerno ng Bangsamoro.

 

Tantangan, South Cotabato idiniklarang nasa state of calamity dahil sa epekto ng pagbaha

By Lira Mae Pagco (Forum ZFD/KuMuNet)

Idiniklara ang bayan ng Tantangan sa South Cotabato na nasa  state of calamity noong Miyerkules ng umaga dahil sa matinding pagbaha at landslide tatlong araw na ang nakalipas.

Nasira ang humigit-kumulang P28.3 milyung halaga ng  agricultural crops. Mahigit 600 pamilya at 2,500 naman ang indibidwal ang apektado ng baha.

Ang mga pananim na palay ng anim na barangay sa Tantangan ay nasira ng baha. Ito ay ang barangay ng New Iloilo, San Felipe, Maibo, Cabuling, Tinongcop at sa Dumadalig. Umabot sa 394 hectares ng palay ang nasira ng kalamidad.

Maliban sa mga pananim ay nasira din ang ilang mga kabahayan at imprastraktura sa lugar.

Ayon kay Mayor Benjamin Figueroa ng Tantangan, nagpasya ang municipal council ng Tantangan na  magbigay ng deklarasyon na i under sa state of calamity ang bayan para sa agarang pagpalabas ng mga kinakailangang pondo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng kalamidad.